ANG KAHIRAPAN SA
BANSANG SINILANGAN
BY: ALBERT ABARE
Lahat tayo ay isang Pilipino na uhaw sa kapayapaan at pag asa na tayo ay
umunlad, Ikaw, Ako tayong lahat ay gusto itong maranasan at kabog ng dibdib ay
umasa sa gobyerno. Ngunit huwag tayong umasa dahil hindi tayo nakatali sa kamay
nilang mas matigas pa sa pusong bato masasabi natin na gobyerno ang may dahilan
ng kahirapan, may nagsasabing tama may nagsasabing mali ngunit pagsisikap ang
meron tayo, sabi nga nila “Na nasa ating mga tao ang gawa at nasa diyos ang
awa”. Tingnan mo ang iyong kapaligiran maraming bata ang nagugugtom madaming
bata ang walang sapat na kakayahan na magpagamot sa mga ospital dahil sa
kakapusan ng salapi na hindi kayang magastuhan o makamtam nila dahil sa mahal
ng bilihin at kawalan ng sapat na trabaho ng kanilang maguguto. Maaring mong
matanto na madaming bata ang nasa murang edad na nag tratrabaho na sa murang
edad na maiisip mo na sa murang edad ay di nila makuha ang sapat na ksaiyahan
na meron dapat ang mga ito sa halip ay binubuhay agad ang kanilang pamilya na
wala ng oras upang makipaglaro at maging Masaya na bata na walng ibang iisipain
ngunit ito ang malungkot sa kanilang
nararanasan.
Hindi lang naman ang gobyerno ang may
kasalan kundi ang mga taong tamda mag aral at gustong bumuo agad ng pamilya ito
ang popular na problema ng atin bansa sapagkat madaming kabataan ang walng
kakayahang mag aral at kakulangan ng magandang simbolo upang maging modelo ng
pagbabago at pasilang ng magandang buhay na para sa kanila. kung lahat tayo ay
magtutulungan bilang isang bansa tayong mga Pilipino ang siyang modelo upang
sila ay magkaroon ng inspirasyon na magbago upang kahirapan ay matapos na. Ang
kailangan upang tayong mga Pilipino ay umunlad kailangan nating magkaroon ng
matatag na trabaho ito ay sapat upang ang pamilya ay matawid sa pang araw araw
na buhay na meron tayong mga tao dahil dito maiiwasan natin sumakita at tawagin
tayo ng kagutuman na babalot sa atin na bunsod ditto upang tayong mga tao ay
magkasakit. Dahil sa mga industriyang itinatatag ng mayayaman, may napapasukang
trabaho ang mga tao. Ang mga tao naman na may trabaho ay kumikíta. At dahil sa
mga industriya at sa mga trabaho ng mga tao, may nakokolektang buwis ang
gobyerno.
Huwag tayong mag aksaya ng pagkain sapgkat madaming tao ang nagugutom na
nag iintay ng grasya na bumato sa kanila upang sila ay makatawid sa kagutuman
na kanilang nararanasan. Kaya ikaw OO ikaw maswerte ka sapagkat nakukuha mo ang
gusto mo sa buhay sapagkat madaming bata ang nag nanais ng kung anong meron ka
madaming Pilipino ang nagugutom na wala namn silang magawa upang ito ay
mapigilan ngunit ikaw ang may kapasidad na magkameron nito. Tayong mga tao ay
binigyan ng kapsidad upang malaman kung ano ang mas maganda sa atin kaya ikaw
simulan mo na ispin kung ano ang mas maganda sayo ang kahirapan ba na babalot
sayo? O ang pagbabago na maaring mong masimulan ngayon, hindi ka magsisi kung
ito ay gagawin mo sapagkat ito ang dahilan o ang susi upang tayong mga Pilipino
ay umunlad na kasama ang BANSANG SINILANGAN sa pag unlad at pag lago. Ngunit
wag natin kalimutan an gating mga kababayan na higit na kinakakailangan ng
tulong natin sapagkat wala silang kapasidad na magkameron ng mga bagay na meron
tayo KAYA simula ngayon magsimula magbago upang bansang pilipinas ay magbago
BAYANG SINILANGAN AY IANGAT MULA SA KAHIRAPAN……



