Saturday, October 24, 2015

ANG KAHIRAPAN SA BANSANG SINILANGAN
BY: ALBERT ABARE

      Lahat tayo ay isang Pilipino na uhaw sa kapayapaan at pag asa na tayo ay umunlad, Ikaw, Ako tayong lahat ay gusto itong maranasan at kabog ng dibdib ay umasa sa gobyerno. Ngunit huwag tayong umasa dahil hindi tayo nakatali sa kamay nilang mas matigas pa sa pusong bato masasabi natin na gobyerno ang may dahilan ng kahirapan, may nagsasabing tama may nagsasabing mali ngunit pagsisikap ang meron tayo, sabi nga nila “Na nasa ating mga tao ang gawa at nasa diyos ang awa”. Tingnan mo ang iyong kapaligiran maraming bata ang nagugugtom madaming bata ang walang sapat na kakayahan na magpagamot sa mga ospital dahil sa kakapusan ng salapi na hindi kayang magastuhan o makamtam nila dahil sa mahal ng bilihin at kawalan ng sapat na trabaho ng kanilang maguguto. Maaring mong matanto na madaming bata ang nasa murang edad na nag tratrabaho na sa murang edad na maiisip mo na sa murang edad ay di nila makuha ang sapat na ksaiyahan na meron dapat ang mga ito sa halip ay binubuhay agad ang kanilang pamilya na wala ng oras upang makipaglaro at maging Masaya na bata na walng ibang iisipain ngunit ito ang malungkot  sa kanilang nararanasan.

    Hindi lang naman ang gobyerno ang may kasalan kundi ang mga taong tamda mag aral at gustong bumuo agad ng pamilya ito ang popular na problema ng atin bansa sapagkat madaming kabataan ang walng kakayahang mag aral at kakulangan ng magandang simbolo upang maging modelo ng pagbabago at pasilang ng magandang buhay na para sa kanila. kung lahat tayo ay magtutulungan bilang isang bansa tayong mga Pilipino ang siyang modelo upang sila ay magkaroon ng inspirasyon na magbago upang kahirapan ay matapos na. Ang kailangan upang tayong mga Pilipino ay umunlad kailangan nating magkaroon ng matatag na trabaho ito ay sapat upang ang pamilya ay matawid sa pang araw araw na buhay na meron tayong mga tao dahil dito maiiwasan natin sumakita at tawagin tayo ng kagutuman na babalot sa atin na bunsod ditto upang tayong mga tao ay magkasakit. Dahil sa mga industriyang itinatatag ng mayayaman, may napapasukang trabaho ang mga tao. Ang mga tao naman na may trabaho ay kumikíta. At dahil sa mga industriya at sa mga trabaho ng mga tao, may nakokolektang buwis ang gobyerno.


   Huwag tayong mag aksaya ng pagkain sapgkat madaming tao ang nagugutom na nag iintay ng grasya na bumato sa kanila upang sila ay makatawid sa kagutuman na kanilang nararanasan. Kaya ikaw OO ikaw maswerte ka sapagkat nakukuha mo ang gusto mo sa buhay sapagkat madaming bata ang nag nanais ng kung anong meron ka madaming Pilipino ang nagugutom na wala namn silang magawa upang ito ay mapigilan ngunit ikaw ang may kapasidad na magkameron nito. Tayong mga tao ay binigyan ng kapsidad upang malaman kung ano ang mas maganda sa atin kaya ikaw simulan mo na ispin kung ano ang mas maganda sayo ang kahirapan ba na babalot sayo? O ang pagbabago na maaring mong masimulan ngayon, hindi ka magsisi kung ito ay gagawin mo sapagkat ito ang dahilan o ang susi upang tayong mga Pilipino ay umunlad na kasama ang BANSANG SINILANGAN sa pag unlad at pag lago. Ngunit wag natin kalimutan an gating mga kababayan na higit na kinakakailangan ng tulong natin sapagkat wala silang kapasidad na magkameron ng mga bagay na meron tayo KAYA simula ngayon magsimula magbago upang bansang pilipinas ay magbago BAYANG SINILANGAN AY IANGAT MULA SA KAHIRAPAN……




3 comments:

  1. Tama! Wag lang dapat tayo umasa sa ating mga gobyerno.

    ReplyDelete
  2. Dapat na tayo'y sama-samang kumilos at tumulong upang ang ating bansa ay umunlad

    ReplyDelete
  3. dapat mag tulungan ang bawat isa upang umunlad ang ating bansa pati na ang kanilang sarili

    ReplyDelete